Telebisyon
Kapag ikaw ay aking nakasama,
Maghapon sa iyo ay nakatanga.
Kamangha-mangha ang nakikita.
Ibang-iba ka talaga!
May panahong puso ko’y titibok-tibok
Kapag nasilayan ko sa iyo ay nakakatakot at sari-saring pagsubok.
Maririnig naman sa akin ay halakhak
Sa mga pangyayaring nakakatuwa o ‘di kaya’y puno ng galak.
Kadalasan utak ko ay napupuno ng kaalaman
Sa mga pinakikita mong katalinuhan.
Hangang-hanga rin ako sa paglalakbay mo sa iba’t ibang bansa
Dahil nakakasagap ako ng mga balita.
Alam mo, may pick-up line ako para sa iyo.
Rabies ka ba ng aso?
Bakit, ika mo?
Kapag nandiyan ka, nauulol ako sa ‘yo!
Hindi pa sapat ang pananalinghaga upang makatanggap ng dagdag na marka.
ReplyDelete