Sir Pagsi
Sa aking unang taon sa Mataas na Paaralan ng Ateneo,
Nakilala at nakasama ko ang isang ‘di pangkaraniwang guro.
Nang siya ay pumasok sa aming kuwarto,
Diyos ko! Parang nakita ko ang aking lolo.
Sa kanyang pagtuturo, paminsan-minsan ay biglang aawit.
Mahalagang turo sa buhay mga sinasambit.
Sa araw-araw na pagpasok sa silid-aralan ay makikita,
Isang bago at makahulugang salawikain sa pisara.
Tuwing Miyerkules nang umaga, kami ay kanyang pinagsisimba
Upang magpasalamat sa mga grasya.
Aniya, “Tulad ng kapilya sa gitna ng kampus ng Mataas na Paaralan ng Ateneo,
Si Kristo ang dapat na sentro ng buhay niyo.”
Sobra-sobrang paghanga ko sa iyo, aking guro.
Tunay kang inspirasyon sa buhay ko.
Isa ka sa mga humubog sa aking pagkatao
Dito sa mahal kong paaralang Ateneo.
Bagaman nahahati sa mga linya, higit na pamprosa ang pahayag. Mayroon ding mga hindi pa pagsunod sa "Gabay sa Ispeling" tulad ng niyo na dapat ay ninyo.
ReplyDelete