Mamang Taho
Tilaok ng manok sa akin ay bumati,
Sa daang aking tinatahak, pagaspas ng walis ni Inday naririnig ko muli.
Kumalabog ang puso sa aking dibdib,
Nang marinig ang alingawngaw ng iyong tinig.
Dali-daling dumagundong ang yapak ng aking mga paa,
Kalansing ng mga barya sa bulsa ay ‘di alintana.
Kumukulingling ang maliit na kampana sa munting eskuwela,
Nangibabaw ang tinig nito sa aking tainga.
Sa wakas, narating ko ang iyong kinaroroonan.
“Yehey!” sa iyo aking naulinigan.
Klang! Klang! Pagbagsak ng takip ng aking lata,
“Ayan suki, taho ko ay mainit pa.”
Hindi sapat ang katangiang poetiko upang mabigyan ko ng dagdag na marka.
ReplyDelete