Tuesday, March 6, 2012

Journal Entry: ORAS

ORAS

Bakit ba lahat ng aspekto ng buhay ay napapaloob sa elemento ng oras?

Bukang-bibig ng mga bata at matatanda, kulang o sobra ang oras.

Minsan naman tumitigil, bumabagal, o bumibilis ang oras.

Sa mga gawaing pang-araw-araw, may sinusunod na oras.

Sa mga panahon ng pagsilang, pag-ibig, at kamatayan, may tamang oras.

Sa orasan, may segundo, minuto at oras.

Ang kahapon, ngayon, at bukas ay nasusukat ng oras.

Kadalasan halos lahat tayo ay mulat na mulat sa oras.

Para sa kapwa, kamunduhan, at Panginoon, inaalay ang oras.

Saad nga ng salawikain, “Ginto ang oras.”

1 comment:

  1. Dahil sa paggamit ng anyong taludturan na tinatapos lahat sa oras, binibigyan kita ng +1 na LG para rito. Gayumpaman, inaasahan kong maging higit pang kritikal ang pagtataya sa mga pinapaksa sa susunod.

    ReplyDelete