Tuesday, March 6, 2012

Journal Entry: Takdang Aralin

Takdang Aralin

Ano nga ba ang takdang aralin?

Ito ba ay laging dapat gawin?

Bakit nga ba ang guro, lagi ito ang bilin?

Makakatulong ba ito sa amin?


Para saan nga ba ang mga gawaing ito?

Sa mga estudyanteng katulad ko, dulot ba nito ay pagbabago?

Paano ba sa takdang aralin matututo?

Kailangan ba laging nagsasaliksik at nagsasaulo?


Gaano ba kahalaga ang mga takdang aralin na ito?

Mahuhubog ba ng mga kaalamang aking natuklasan ang aking pagiging Pilipino?


Isa kaya ito sa layunin ng takdang aralin?

O guro ko, maaari ba na ako ay iyong sagutin?

1 comment:

  1. Maaari sigurong sa isang blog entri ay sikapin mong harapin ang mga tanong na inilatag mo rito.

    ReplyDelete