Thursday, March 8, 2012

Journal Entry: Huli Na

Huli Na

Sa mga entring ginawa

Tungkol sa maraming paksa,

Napansin kong hindi akma

Na lahat ay gawing tula.


Siguro mahusay sana

Kung mga anyo ay iba.

Sa laman ay mag-ingat pa

Para tiyak na pumasa.


Wala nang puwedeng gawin

Para marka’y pataasin.

Hindi dapat madaliin

Ang mga takdang-aralin.

1 comment:

  1. Dahil sa pagsisikap na magtugma't sukat, binibigyan kita ng +1 na LG para rito.

    ReplyDelete