Saturday, February 25, 2012

Journal Entry: Mahabang Pagsusulit

Bago Kunin ang Mahabang Pagsusulit

Nag-aral nang isang linggo,

Para sa pagsubok na ‘to.

Ngunit, nararamdaman ko

Na sakit ito sa ulo.


Habang Sinasagutan ang Mahabang Pagsusulit

Madali pa noong una,

Wala na sa pangalawa.

Nang pangatlo’y natapos na,

Nagdasal para pumasa.


Nang Binalik ang Mahabang Pagsusulit

Dahil sa pumasang marka,

Dapat ako’y lumigaya.

Ngunit, ‘di dapat magsaya

Sa grado na “puwede na”.

1 comment:

  1. Ikinagagalak ko ang pagtatangkang gumamit ng taludturan nang may tugma't sukat. +1 na LG para sa entring ito.

    ReplyDelete