Sa dulang R.I.P., mapapansin ng mga nanonood na halos walang laman ang buong entablado, ngunit, naipakita ng mga aktor ang bawat tagpo nang kumpleto at mahusay. Paano nila ito nagawa kahit halos wala silang ginamit na props?
(Galing sa http://www.flickr.com/photos/jpinlac/4798518642/)
Sa aking palagay, ang nakatulong dito ay ang paggamit nila ng ilaw. Naging mas makabuluhan, epektibo at buo ang dula dahil sa tamang paggamit ng iba’t ibang kulay ng ilaw at ang pagbukas at pagpatay ng mga ito na naayon sa mga sitwasyon at damdamin ng mga gumaganap.
Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga ilaw sa dulang ito at kapansin-pansin na hindi ito napagtutuunan ng importansya ng mga manonood. Ang pagsara ng ilaw sa simula ay hudyat para ipaalala sa mga manonood na malapit ng magsimula ang dula.
Sa pagbukas muli ng mga ito, alam na ng mga tao na oras na upang manahimik dahil mag-uumpisa na ang programa at papasok na ang mga aktor sa entablado.
Pagkaraan ng halos isang oras, sa bandang gitna ng dula, biglang sinindihan ang lahat ng ilaw sa tanghalan. Ang ibig sabihin nito ay oras na ng sandaling pamamahinga para sa mga aktor at mga manonood. Sa pagtatapos na ng dula , muling sinindihan sa kahulihulihang pagkakataon ang mga ilaw. Dito nalaman ng mga tao na tapos na ang dula. Sa mga halimbawang ito, ginamit ang ilaw para senyasan ang mga manonood sa kung anong bahagi na ang dula, ano na ang mangyayari at kung ano ang dapat nilang gawin.
(Galing sa http://www.flickr.com/photos/27539405@N02/5375584900/)
Sa pagbukas muli ng mga ito, alam na ng mga tao na oras na upang manahimik dahil mag-uumpisa na ang programa at papasok na ang mga aktor sa entablado.
(Galing sa http://www.flickr.com/photos/kro-media/4865169607/)
Pagkaraan ng halos isang oras, sa bandang gitna ng dula, biglang sinindihan ang lahat ng ilaw sa tanghalan. Ang ibig sabihin nito ay oras na ng sandaling pamamahinga para sa mga aktor at mga manonood. Sa pagtatapos na ng dula , muling sinindihan sa kahulihulihang pagkakataon ang mga ilaw. Dito nalaman ng mga tao na tapos na ang dula. Sa mga halimbawang ito, ginamit ang ilaw para senyasan ang mga manonood sa kung anong bahagi na ang dula, ano na ang mangyayari at kung ano ang dapat nilang gawin.
Ginamit din nila ang mga spotlight para bigyang katatagan at empasis ang mga tagpo na dapat ay bigyang pansin ng mga manonood.
Madalas nilang ginamit ang mga ganitong klaseng ilaw sa mga tagpo nila na kung saan ay gumagawa sila ng pelikula. Sa bawat eksenang ginagawa nila para sa kanilang pelikula, sinasara nila ang mga ilaw maliban sa ilang spotlight upang makita ng mga manonood ang mahahalagang tagpo at para malinaw ang mga imaheng lumalabas sa kamera ng mga aktor. Kapag pinigil ni Colas ang eksena, sisindi ulit ang mga ilaw ng entablado at may ilang spotlight na nakatutok sa mga manonood. Sa tingin ko, ginawa nila ito para makita sa kamera ang mga reaksyon ng mga manonood sa mga eksenang napanood nila. Sa bandang katapusan ng dula, nagsalita si Colas nang mag-isa. Dito, tinutukan siya ng spotlight para lahat ng mga manonood ay makinig sa kanyang pangwakas na dayalogo. Sa aspektong ito, nakatulong ang ilaw sa “blocking” ng buong dula.
(Galing sa http://www.flickr.com/photos/25754497@N07/4093416022)

Mahalaga din ang ginampanang papel ng mga iba’t ibang kulay ng mga ilaw na ginamit sa dulang ito.
Ang paggamit ng iba’t ibang kulay sa mga ilaw ay nakapagpatatag sa bawat tagpo ng pagtatanghal, nakaantig sa mga damdamin ng manonood, at nailagay sa tamang himig at direksyon ang daloy ng panoorin. Kapag simpleng usapan lang ang ginagawa ng mga aktor sa entablado, puti ang nakasinding ilaw. Kapag medyo masaya ang tagpo o magsasayaw sila, lalakas ang mga ilaw at magiging dilaw ang kulay ng mga ito. Noong ginagawa nila yung pelikula, naging medyo pula yung mga ilaw upang ipakita na senswal ang eksenang nagaganap. Sa bawat kulay ng ilaw ay may nakataling emosyon depende sa nangyayaring mga sitwasyon sa entablado. Dahil sa mga iba’t ibang kulay ng ilaw na ginamit sa dula, napansin kaagad ng mga manood kung ano ang nararamdaman ng mga aktor kahit wala pa silang sinasabi.
(Galing sa http://www.flickr.com/photos/shyb/31451514/)

Dahil sa mga paraan ng paggamit ng mga ilaw sa dula, naging mas matingkad ang pagpapahayag ng mensahe sa manonood. Higit na nakita nang malinaw ang kuwento, nakaaliw sa isang banda, nakaantig ng damdamin at nakapukaw ng isip. Dagdag pa dito, naging masining at mas may buhay ang pagtatanghal.
Gabriel Jose G. Vitug
FIL12 DD
Ginoong Edgar Samar
Ginoong Edgar Samar
Mga Sanggunian:
agent j loves nyc, “Stage Lighting,” Flickr image,
http://www.flickr.com/photos/jpinlac/4798518642/ (accessed
January 22, 2012).
denischardonnet, “In The Spotlight,” Flickr image,
http://www.flickr.com/photos/25754497@N07/4093416022/
(accessed January 22, 2012).
hppv50, “Movie curtains,” Flickr image,
http://www.flickr.com/photos/27539405@N02/5375584900/
(accessed January 22, 2012).
KRO-Media, “University of Houston, School of Theatre & Dance,” Flickr
image, http://www.flickr.com/photos/kro-media/4865169607/
(accessed January 22, 2012).
shyb, “lights colors from the street,” Flickr image,
http://www.flickr.com/photos/shyb/31451514/ (accessed January 23,
2012).